Tumingin sa ibaba para sa mga pinakamadalas itanong tungkol sa nutrisyon ng mga baby. Available ang buong FAQ sa Ingles at French sa nestlebaby.ca.
Gatas na PINAKAMADALAS ITANONG
Paano ko sisimulan ang pagpapainom ng formula?
Ito ang tanong na laging itinatanong ng karamihan sa mga magulang at bilang resulta, maaaring mag-iba-iba ang sagot. Sa kabutihang palad, makikita mo agad sa ibaba kung paano ka makakapagsimula batay sa iyong mga personal na opsyon sa gatas.
Kapag napagpasyahan mong magpainom ng formula, hindi ibig sabihing mahihinto na ang pagpapasuso sa baby. Pito sa bawat sampung ina na gumagamit ng formula ay nagpapasuso pa rin1. Ang pag-supplement ay nagpapahintulot din na maibahagi sa partner o caregiver ang mga responsibilidad.
Anuman ang gusto mong maging paraan, makipag-usap sa iyong propesyonal na tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan bago gumawa ng mga pagbabago sa mga iniinom ng iyong baby.
May dapat ba akong sundang iskedyul?
Narito ang ilang tip na dapat isipin kapag sinisimulan ang pagpapainom ng formula:
- Una, palitan ng pagpapadede sa bote ang isang pagpapasuso sa kalagitnaan ng araw.
- Ipahinga ang iyong suso sa pagitan ng bawat pagpapasuso sa pamamagitan ng pagpapalabas ng kaunting gatas (kung kinakailangan lang).
- Magiliw na makipag-usap, maging mas malambing, at kung posible, subukang panatilihin ang buong routine (lokasyon, upuan, atbp).
Bakit dahan-dahan?
- Maaaring mahalata ng baby mo ang pagpapalit ng lasa.
- Ang biglaang pagpapalit ay maaaring mahirap para sa tiyan ng baby mo.
Isaalang-alang ang mga sumusunod na salik:
- Iba-iba ang bawat baby.
- Maaaring makahalata ang iyong baby sa pagbabago ng lasa kapag lumilipat mula sa pagpapasuso tungo sa formula.
- Mas kapansin-pansin ang pagbabago ng lasa kapag magpapainom ka ng formula na may dagdag na DHA at ARA.
Mahalagang Abiso: Laging kumonsulta sa doktor bago gumawa ng mga pagbabago sa pagpapainom.
1 Pananaliksik ng Nestle® noong 2019. Data sa file
Paano ako maghahanda ng formula?
Dahil iba-iba ang formula, iba-iba rin ang mga paraan ng paghahanda.
Maingat na basahin ang mga paraan ng paghahanda at paggamit na nasa label para tumpak mo itong masundan (nakadepende rito ang kalusugan ng iyong baby)*. Bago ito, itanong sa doktor ng iyong baby ang tungkol sa infant formula, kasama na ang dami ng ipapadede.
Una sa lahat, palaging i-sterilize ang iyong mga bote, tsupon, ring, at lahat ng gamit para sa paghahanda sa pamamagitan ng paglalagay sa mga iyon sa isang kaserolang may kumukulong tubig, pagpapakulo sa mga ito sa loob ng 5 minuto, paglilinis sa lugar kung saan ka maghahanda, at paghuhugas ng iyong mga kamay.
Kapag naihanda na ang formula, dapat itong maubos sa loob ng 1 oras matapos gawin. Itapon ang mga hindi naubos na formula kung hindi naubos sa loob ng oras na ito.
Mga direksyon para sa Ready-to-feed
- Huwag haluhan ng dagdag na tubig.
- Punasan ang ibabaw ng karton ng malinis na tela at aluging maigi bago buksan.
- Isalin ang ready-to-feed formula nang direkta sa na-sterilize na bote.
- Ilagay ang bote sa mainit na tubig hanggang maging maligamgam (kadalasan ay 1-2 minuto). Marahang alugin ang bote para pantay na maikalat ang init nito**.
Alam mo ba? May built-in kang thermometer para malaman kung maligamgam ang tubig o formula - ang pulso mo! Maglagay lang ng isang patak sa bandang pulsuhan. Kung wala kang nararamdamang pagbabago sa temperatura, handa na ito.
Mga direksyon para sa concentrated liquid
- Pakuluin ang tubig sa loob ng hindi bababa sa 2 minuto at hayaang lumamig sa room temperature o temperatura ng katawan (37°C) bago gamitin2.
- Punasan ang ibabaw ng karton ng malinis na tela at aluging maigi bago buksan.
- Magsalin ng pantay na dami ng sinukat na formula milk at na-sterilize na tubig sa na-sterilize na bote. Huwag sobrahan o bawasan ang tubig maliban na lang kung payo ng propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan.
- Takpan ang bote at aluging maigi.
- Ilagay ang bote sa mainit na tubig hanggang maging maligamgam (kadalasan ay 1-2 minuto)**.
- Takpan agad at ilagay ang nabuksang karton ng natitirang concentrate formula sa refrigerator at gamitin ito sa loob ng 24 na oras.
Mga direksyon para sa powder na gatas
- Pakuluin ang tubig sa loob ng hindi bababa sa 2 minuto at hayaang lumamig sa room temperature o temperatura ng katawan (37°C) bago gamitin2.
- Isalin ang nasukat at na-sterilize na tubig sa na-sterilize na bote. (Laging unang ilagay ang tubig sa bote - makakatulong ito na mas matunaw ang powder na gatas habang inilalagay ito, kaysa magdagdag ng tubig sa bote na sinalinan mo na ng powder. Para sa pinakamagandang resulta sa paghahalo, gumamit ng maligamgam na tubig bago ilagay ang powder.)
- Ilagay ang naaangkop na dami ng scoop ng powder, ayon sa nasa label. Huwag sobrahan o bawasan ang tubig maliban na lang kung payo ng propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan.
- Takpan ang bote at aluging maigi hanggang sa tuluyang matunaw ang powder.
- Ilagay ang bote sa mainit na tubig hanggang maging maligamgam ito (kadalasan ay 1-2 minuto)**.
* Ang kalusugan ng iyong anak ay nakasalalay sa kung paanong maingat na susundin ang mga direksyon sa etiketa para sa paghahanda at paggamit.
** Huwag gumamit ng microwave oven upang painitin ang gatas, dahil makapaglilikha ito ng mga puntong mainit sa bote na maaring makapaso sa inyong anak.
2 Health Canada. Recommendations for the preparation and handling of powdered infant formula (PIF). 2010. http://www.hc-sc.gc.ca/fn-an/nutrition/infant-nourisson/pif-ppn-recommandations-eng.php Accessed: May 29th, 2017.
Paano ako magtatabi ng formula?
Pagtatabi ng nabuksan nang formula
Ready-to-feed o Concentrate: Takpan ito at ilagay sa refrigerator sa loob ng 24 na oras.
Powder: Kapag nabuksan na, gamitin ito sa loob ng isang buwan. Itabi ang lalagyan sa malamig at tuyong lugar at siguruhing mahigpit ang takip*.
Pagtatabi ng hindi pa nabubuksang formula
Ligtas: Pagtatabi ng hindi pa nabubuksang formula sa malamig at tuyong lugar (6º – 25ºC).
Mag-ingat: Ang pagtatabi ng formula sa lampas 37ºC sa loob ng ilang araw ay maaaring makakompromiso sa taglay nitong mga bitamina.
Ligtas: Ang pagtatabi sa hindi pa nabubuksang liquid tetra sa ref, kung ang temperatura ay inaasahang lalampas sa 37ºC sa loob ng ilang araw.
Mag-ingat: Maaari kang makakita ng mga pagbabago sa texture ng produkto matapos mo itong ilagay sa refrigerator—"pisikal" lang ang mga ito. Ibig sabihin, hindi pa sira ang produkto at hindi naapektuhan ang kalidad ng nutrisyon nito. Kailangan lang aluging MAIGI ang produkto para matunaw ang mga namuong bilog at maihalo ulit ang formula.
Pagfi-freeze ng hindi pa nabubuksang formula
Mag-ingat: Dapat lang gawin kapag may emergency ang pagfi-freeze ng hindi pa nabubuksang formula.
Ligtas: Kailangan mong siguruhing ibabalik sa room temperature ang anumang powdered formula na ifi-freeze mo bago mo ito haluin.
Mag-ingat: Hindi inirerekomenda ang pagfi-freeze sa hindi pa nabubuksang concentrated formula - maaari nitong makompromiso ang kalidad. Maaaring maghiwalay ang fat at protein at mahihirapan kang pagsamahin ulit ang mga ito.
Ligtas: Iwasang magtabi ng anumang uri ng formula sa lugar na sobrang init o sobrang lamig.
*Ang mga tagubilin sa pagtatabi ng formula ay nakabatay sa mga infant formula na produkto ng Nestlé®. Pakibasa ang label para sa kumpletong mga tagubilin sa paghahanda at paggamit. Kung gumagamit ng ibang brand ng infant formula, pakisunod ang mga direksyong nasa label.
Bakit nagbubuo-buo ang aking powder formula kapag hinahalo?
Ang totoo, hindi mo dapat pinoproblema ang pamumuo. Narito ang ilang paraan para mawala ang mga buo-buo:
- Unahing idagdag ang tubig: Tubig muna bago powder…lagi.
- Subukan ang temperatura: Para sa pinakamagandang resulta ng paghahalo, siguruhing gumagamit ka ng maligamgam na tubig.
- Huwag nang maghintay bago ito alugin! Alugin agad ang bote pagkalagay ng powder sa tubig.
Ang pinakamahalagang hakbang? Palaging sundin ang mga tagubilin sa label - mahalaga ito sa kalusugan ng iyong baby.
Kung nakapaghanda ako ng sobrang formula, o hindi ito naubos ng aking baby—maaari ko bang itabi ang natitira para sa susunod na pagpapadede?
Una sa lahat, anuman ang klase ng formula, kapag lumapat na ang sterilized na bote sa bibig ng iyong baby, hindi mo na dapat gamiting muli ang natirang formula sa boteng iyon. Laging itapon ang anumang natirang gatas nang direkta mula sa boteng ginamit mo.
Gayunpaman, maaaring itabi sa loob ng maikling panahon ang lahat ng uri ng formula kapag naihanda na ang mga ito, hangga't sinusunod mo ang mga pamantayang inilatag sa ibaba.
Powder
Kung naihalo mo na ang powder na gatas at ito ay nasa lalagyang hindi mo nagamit sa pagpapadede—narito ang mga kinakailangan:
- Padedehin ang iyong baby sa loob ng 1 oras nang hindi iniinit ang formula.
- Itapon ang alinmang natirang timpla.
Ang muling paggamit ng tirang formula ay hindi inirerekomenda dahil sa panganib ng kontaminasyon ng bacteria.
Concentrate at Ready-to-feed
Kung nakapaglagay ka na ng formula sa sterilized na bote at hindi pa ito lumapat sa bibig ng baby mo–narito ang mga kinakailangan:
- Siguruhing ito ang angkop na dami ng ipapadede sa bata.
- Padedehin ang bata sa loob ng 1 oras nang hindi iniinit ang formula.
- Itapon ang alinmang natirang formula.
Mga bukas na pakete
Kung nagbukas ka na ng Tetra ng concentrate o ready-to-feed na formula at hindi mo balak ubusin agad ang lahat ng ito—narito ang mga kinakailangan:
- Takpan ng plastic wrap ang pakete.
- Ilagay agad ito sa ref pagkatapos buksan.
- Ilagay ito sa ref sa loob ng hindi lalampas sa 24 na oras.
Bilang karagdagan, ang pagsunod sa mga tagubilin sa label ay mahalaga sa kalusugan ng iyong baby. Para sa kaligtasan, hindi inirerekomendang muling initin ang formula kung nainitan na o naiwan na ito sa room temperature, dahil mas mataas ang peligrong makontamina ito ng bacteria.
Puwede ba akong maghanda ng formula nang maaga at gamitin ito sa ibang pagkakataon?
Hindi inirerekomenda ang paghahanda at pagtatabi ng infant formula nang maaga. Gusto mo bang makatipid ng oras? I-sterilize ang mga bote at punuin ang mga ito ng naaangkop na dami ng sterilized at pinalamig na tubig nang maaga. Ilagay sa refrigerator at gamitin sa loob ng 24 na oras. Para sa pinakamainam na resulta ng paghahalo, ilagay ang bote sa mainit na tubig hanggang sa maging maligamgam ito bago idagdag ang powder**. Huwag idagdag ang formula hangga’t hindi pa oras ng pagpapadede.
Bilang karagdagan, ang pagsunod sa mga tagubilin sa label ay mahalaga sa kalusugan ng iyong baby. Para sa kaligtasan, hindi inirerekomendang muling initin ang formula kung nainitan na o naiwan na ito sa room temperature, dahil mas mataas ang peligrong makontamina ito ng bacteria.
** Huwag gumamit ng microwave oven para painitin ang formula milk, dahil puwede nitong painitin ang ilang bahagi ng bote na puwedeng makapaso sa iyong baby.
Paano ako magpapalit ng baby formula?
Bago palitan ang routine sa pagdede ng iyong baby, dapat ka munang kumonsulta sa iyong doktor.
Ang anumang pagbabago ay maaring magresulta sa mga pansamantalang isyu sa sikmura, tulad ng kabag at paglungad□, na maaring magdulot ng pagiging iritable.
Narito ang mga rekomendasyon kaugnay sa pagpapalit ng formula:
- Huwag ipagsalitan o pagsamahin ang bagong formula sa formula na kasalukuyan mo nang ginagamit
- Direktang lumipat sa bagong formula.
- Huwag paghaluin ang magkakaibang formula.
- Bigyan ng 3 hanggang 5 araw ang iyong baby na masanay sa bagong formula.
Para sa mas detalyadong impormasyon, basahin ang Baby formula: Pagpapalit ng formula.
□Kumunsulta sa doktor kapag ang anak mo ay nagdudurang may pwersa o madalas sa bawat pagpapadede at hindi nadaragdagan ang timbang.
Anong formula ang dapat kong gamitin kapag bibiyahe ako sa labas ng Canada?
Dahil nag-iiba-iba depende sa bansa ang mga produkto ng Nestlé®, sikaping bumiyahe nang may sapat na formula sa kabuuang tagal ng iyong biyahe—lubos itong inirerekomenda. Dahil posibleng maging mahirap ito kapag mahaba ang biyahe (at kapag nag-eempake para sa baby, hindi ba?), inirerekomenda rin ang pagdadala man lang ng ilan sa mga formula na kakagamit mo lang bago ang biyahe mo.
Kung gusto mong mas maging handa, puwede kang kumonsulta sa Nestlé® website ng bansang bibisitahin mo para malaman ang mga sangkap ng formula na makikita mo roon. Pagkatapos, puwede mong hanapin ang Nutrition Facts Table ng bansang iyon at ibahagi ang impormasyong iyon sa iyong doktor para tulungan kang makapagdesisyon kung alin ang magiging angkop para sa baby mo.
Tandaan: Laging isangguni sa doktor ng iyong baby ang anumang pagbabago sa pagpapadede.
Hindi ko mahanap ang aking Nestlé® Good Start® na produkto sa mga shelf/ online/ tindahan. Ligtas bang bigyan ko ng ibang formula o ibang produktong GOOD START ang aking baby? Puwede ko bang bigyan ang baby ko ng Stage 2 kung wala pa siyang 6 na buwan?
Oo, ang lahat ng infant formula na ibinebenta sa Canada para sa mga baby na kumpleto ang term ay aprubado ng Health Canada para tugunan ang mga nutrisyunal na pangangailangan para sa normal at malusog na paglaki ng lahat ng sanggol mula edad 0-12 buwan. Ang ilang infant formula, gaya ng GOOD START 2, ay posibleng may ilang benepisyong partikular na idinisenyo para sa mga mas may edad na baby mula 6-12 buwan, gaya ng mas mataas na antas ng calcium at iron. Ang mga pagkakaiba sa mga antas na ito ay akma pa rin sa lahat ng baby mula 0-12 buwan.
Kung hindi mo mahanap ang iyong regular na GOOD START Infant Formula sa pamilihan, ligtas at angkop naman sa nutrisyon ang paggamit ng ibang GOOD START Infant Formula. Angkop ding magpalit mula liquid at powdered na GOOD START Infant Formula, maliban kung may partikular na mga bilin ang iyong doktor.
Kasama sa GOOD START Infant Formula ang GOOD START 1 at 2 (ang 900g powder at 240mL concentrate ay available lang para sa Stage 1), GOOD START Plus 1 at 2 (580g at 1.02kg powder, ready-to-feed Tetra 250mL, concentrate 240mL at 89mL ready-to-feed nursers ay available lang para sa Stage 1) at Nestlé® Good Start SootheTM (550g at 942g powder).
Palaging tandaan na basahin at sundin ang mga direkyon sa paghahanda sa label para sa bawat partikular na formula.
Kung nagbibigay ka na ng GOOD START Infant Formula sa iyong anak at hindi ka makahanap ng alinmang GOOD START Infant Formula na produkto, puwede ka ring gumamit ng ibang infant formula para sa mga baby na kumpleto ang term mula sa ibang manufacturer. Ang lahat ng infant formula na idinisenyo para sa mga sanggol na kumpleto ang term na ibinebenta sa Canada ay apruado ng Health Canada para matugunan ang mga kinakailangang nutrisyon para sa normal at malusog na paglaki ng lahat ng baby edad 0-12 buwan. Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa kung aling infant formula ang dapat gamitin o anumang tanong na may kaugnayan sa pagpapadede ng iyong baby, makipag-usap sa iyong healthcare practitioner. Palaging tandaan na basahin at sundin ang mga direksyon sa paghahanda sa label para sa bawat partikular na formula.
Ang Nestlé® Good GrowTM ay hindi isang gatas na pang baby at hindi dapat gamitin sa mga baby. Ang GOOD GROW ay ginawa partikular para sa mga baby na higit sa 12 buwan ang edad at ito ay isang nutritional supplement. Ang GOOD GROW Plain Milk at GOOD GROW Vanilla Flavour ay maaaring pagpalit-palitin sa mga baby sa mga ganitong edad. Kung hindi mo mahanap ang GOOD GROW, maaari ding gamitin ang whole cow’s milk at ito ay inirerekomenda rin ng Canadian Pediatric Society.
Hindi ko mahanap ang aking Nestlé® Good Start® Alsoy o Nestlé® Good Start® Organic sa shelf/ online/ tindahan. Ligtas bang bigyan ko ng ibang formula ang aking baby?
Kung pinapadede mo na ang iyong anak ng GOOD START ALSOY 730g o GOOD START ORGANIC 900g at hindi ito available, puwede kang gumamit ng ibang infant formula na idinisenyo para sa mga baby na kumpleto ang term mula sa ibang manufacturer na nag-aalok ng mga benepisyo ng Soy Infant Formula o Organic Infant Formula. Ang lahat ng infant formula na ibinebenta sa Canada para sa mga baby na kumpleto ang term ay aprubado ng Health Canada para tugunan ang mga nutrisyunal na pangangailangan para sa normal at malusog na paglaki ng lahat ng sanggol mula edad 0-12 buwan. Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa kung aling infant formula ang dapat gamitin o anumang tanong na may kaugnayan sa pagpapadede ng iyong baby, makipag-usap sa iyong healthcare practitioner. Palaging tandaan na basahin at sundin ang mga direksyon sa paghahanda sa label para sa bawat partikular na formula.
Puwede ba akong makakuha ng mga libreng sample ng formula?
Limitadong dami ng mga sample ng formula ng gatas ang iniaalok bilang bahagi ng programa ng Nestlé Baby & me para sa bagong mga magulang. Ipinapadala lang ang mga sample na ito sa partikular na panahon ng pagiging miyembro at hindi makukuha para bilhin. Para sa higit pang impormasyon, bisitahin ang buong Nestlé Baby & me website.
Naghahanap ako ng mga produktong may sertipikasyon ng Halal o Kosher, may ganito ba ang Nestlé®?
Tiyaking basahin ang package para sa mga partikular na simbolo ng Halal o Kosher. Narito ang ilan sa mga produktong makikita mo:
Kosher:
GOOD START ALSOY
GOOD START ORGANIC
GOOD GROW
Halal:
GOOD START ALSOY
Priyoridad ko ang mga non-GMO na produkto, available ba ang mga ito sa Nestlé®?
Nag-aalok ang Nestlé® ng iba't ibang non-GMO na produkto— gaya ng mga sumusunod:
GOOD START 1
GOOD START PLUS 1
GOOD START 2
GOOD START PLUS 2
GOOD START SOOTHE
GOOD START ALSOY
GOOD START ORGANIC