Baby Formula: Pagpapalit ng Formula

2 min.
2 minutong pagbasa
Baby Formula: Pagpapalit ng Formula

Lumalaki na ang baby mo (ang bilis!), at nagde-develop na rin ang kanyang digestive system. Isaalang-alang ang mga tip na ito kung nagpaplano kang palitan ang formula milk ng iyong baby.

Marahil, inisiip mo nang palitan ang kanyang formula milk, o baka naman naisip mo ito dahil sa pagkairitable, hangin sa tiyan, at paglungad. Kahit ano pa 'yan, pinakamaganda kung kokonsulta ka muna sa iyong doktor bago palitan ang formula milk ng iyong baby, habang isinasaalang-alang ang mga sumusunod na paalalang ito:

  • Huwag mag-alala kung halinhinan o magkasabay gagamitin ang bagong formula milk at formula milk na ginagamit mo na:  Puwedeng makalipat agad ang baby sa bagong formula milk.
  • Iwasang paghaluin ang magkakaibang formula milk! Narito kung bakit hindi ito inirerekomenda: Hindi idinisenyo ang mga formula milk para paghalu-haluin. Isa pa, kung makakaranas ng mga isyu sa tiyan ang iyong baby, hindi mo matutukoy ang dahilan.
  • Bigyan ang iyong baby ng 3 hanggang 5 araw para masanay sa bagong formula milk: Puwedeng medyo matagalan siya bago masanay. (Bagama't puwede rin naman siyang masanay agad. Yay!) Habang naglilipat ka, puwedeng makaranas ang iyong baby ng ilang iba pang maliliit na pagbabago—lalo na pagdating sa pattern ng kanyang dumi, hangin sa tiyan, at kung ilang beses siya lumulungad. Huwag kang mag-alala, normal lang ito!

Tandaan, dapat ka munang kumonsulta sa doktor ng iyong baby bago magpalit ng formula milk, para maipaalam mo ang anumang tanong o alalahaning mayroon ka sa panahong iyon.

Kapag naisip mong oras na para gumamit ng formula milk, piliin ang GOOD START PLUS. Ito ang pinakamalapit naming formula milk sa gatas ng ina at ito lang ang non-GMO* baby formula na may Comfort ProteinsTM, Probiotics^, at DHA. Mag-click dito para matuto pa tungkol sa GOOD START PLUS.

Minsan, puwedeng makaranas ang mga baby ng pananakit ng tiyan, gaya ng hangin sa tiyan at paglungad. Posibleng makatulong ang paglipat sa isang formula milk na banayad sa tiyan. Mabilis i-digest** ang GOOD START SOOTHE at idinisenyo ito para maging maginhawa sa mga may sensitibong tiyan.  Ito lang ang formula milk na may L. reuteri, isang good bacteria na makikita sa gatas ng ina, at mayroon itong 30% mas mababang lactose kaysa sa iba pang GOOD START na milk-based na formula. Lampas 90% sa mga magulang na lumipat sa GOOD START SOOTHE ang nagsabing hindi na ganoong kairetable ang kanilang baby pagkatapos ng unang pagdede †,1. Mag-click dito para matuto pa tungkol sa GOOD START SOOTHE.

* Gaya ng lahat ng infant formula 

** Hindi genetically-engineered ang mga sangkap. 

Nasa powder na format lang ang probiotics.  

† Formula milk lang ang ipinadede sa mga sanggoI; medyo iba ang formulation ng Canada kumpara sa GOOD START SOOTHE formula na ginamit sa pag-aaral na ito. 

1 Czerkies L et al., 2019. Journal of Pediatric Health And Nutrition. 1(1):19-26.