Baby Formula: Pagpili, Pagpapakilala, at Higit Pa

3 min.
3 minutong pagbasa
Baby Formula: Pagpili, Pagpapakilala, at Higit Pa

Puwedeng nakakapag-alala sa sinumang magulang ang pagpili sa kung ano ang ipapadede sa kanyang baby—kaya naman narito ang mga dapat mong ikonsidera pagdating sa pagtugon sa mga pangangailangan sa nutrisyon ng iyong baby.

Inirerekomenda ng Health Canada na para sa nutrisyon, resistensya, paglaki, at pag-develop ng mga sanggol at toddler, dapat kang magpasuso lang sa unang anim na buwan, at puwede mo itong paabutin nang dalawang taon o mas mahaba kasabay ng tamang pagpapakain.1,2 

Kung kailangan mo ng tulong sa pagpapasuso, madalas na nakakapagbigay ng suporta, lakas ng loob, at payo ang mga propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan, kapamilya, at kaibigan habang pinag-aaralan mo kung paano mo papakainin ang bago mong baby. 

May iba't ibang dahilan kung bakit maaari mong piliing gumamit ng formula milk bilang pansuporta sa gatas ng ina, gaya ng mga sumusunod: Medyo hindi naaangkop ang timbang ng baby sa timbang na gustong makita ng mga doktor, matagal lumabas ang gatas ng ina, o sa mga bihirang pagkakataon, may mga usapin ka sa kalusugan na nagbabawal sa iyong magpasuso para maprotektahan ang iyong baby. 

Narito ang ilang tulong para maunawaan mo ang mga pagpipilian mo sa formula milk para malaman mo ang pinakamainam para sa iyo at sa baby mo. 

Mga katotohanan 

  • Hindi gaya ng karaniwang gatas ng baka, naglalaman ang mga infant formula ng mga inirerekomendang dami ng  protein, carbohydrate, fat, bitamina, at mineral na kailangan para sa malusog na paglaki at pag-develop ng baby. 

  • Inirerekomenda ng mga propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan ang mga iron-fortified na formula dahil nagbibigay ito ng kumpletong source ng nutrisyon para sa iyong baby sa unang taon.1,2 

  • Natutugunan ng lahat ng infant formula sa Canada ang mahihigpit na pamantayan sa nutrisyon, pero hindi lahat ng formula milk ay magkakapareho

  • Ang 100% whey na partially hydrolyzed na protein ay isang uri ng protein sa gatas ng baka na partial na nahati-hati sa mas maliliit na piraso. 

  • Hindi lahat ng brand ng infant formula ay available mga ospital (kaya ikonsidera ang lahat ng opsyon mo sa pagpapadede bago mo ipanganak ang iyong baby). 

Humanap ng formula milk na may mga benepisyo ng probiotics at DHA 

Dahil sa mga pag-unlad sa agham, naging mas mainam na kaysa dati ang mga infant formula—ikonsidera ang pagpili ng formula milk na naglalaman ng mga sumusunod: 

  • Probiotic B. lactis: Probiotics ang isa sa mga nagbibigay sa gatas ng ina ng mga natural nitong katangian sa pagbibigay ng proteksyon. Naglalaman ang probiotic formula ng B. lactis, na nakakatulong sa malusog na dami ng bacteria sa tiyan ng iyong baby. 

  • DHA at ARA: Nakakatulong ang DHA at ARA sa normal na pag-develop ng utak at mata ng iyong baby. 

Mga Format 

May tatlong magkakaibang format ang mga infant formula at puwede kang pumili ng isa, dalawa, o tatlo para sa iyong baby—anuman ang aakma sa pang-araw-araw mong gawain! 

Ready-to-Feed Formula

  • Bago ka lang ba sa formula milk? Ginawa ang madaling gamiting format na ito para sa iyong kaginhawahan.
  • May kasamang ready-to-use na sterilized na bote (Ikabit ang tsupon. Painitin*. Ipadede!)
  • Huwag haluan ng dagdag na tubig.**

Concentrate Formula

  • Madaling gamitin at ihanda ang concentrated na liquid na infant formula na hinahaluan ng tubig
  • Nangangailangan ng dagdag na sterilized na tubig**
  • Madaling haluin (Walang buo-buo, hindi kailangan ng scoop!)

Powder Formula

  • Mabilis
  • Mura
  • Dapat idagdag ang powder sa gustong dami ng sterilized na tubig**

Nakukulangan ka pa rin ba? Matuto pa tungkol sa mga infant formula rito

Pagpapakilala sa Infant Formula: Mga Hakbang

Sundin ang mga simpleng tagubiling ito para masuportahan ng formula milk ang pagpapasuso ng gatas ng ina o para lumipat sa pagpapadede ng formula milk:

  1. Palitan ng pagpapadede sa bote ang isang pagpapasuso ng gatas ng ina sa kalagitnaan ng araw. Bawasan nang kaunti ang gatas sa iyong dibdib sa pagitan ng mga pagpapadede (gawin lang kung kailangan).
  2. Magiliw na magsalita kapag ibinibigay mo ang bote at maging mas malambing.
  3. Palitan ng pagpapadede sa bote ang isa pang pagpapasuso ng gatas ng ina kada 2-3 araw hanggang sa maabot mo ang gusto mong balanse ng pagpapadede sa bote at pagpapasuso ng gatas ng ina.

Ilang Karagdagang Ideya sa Paglilipat

  • Huwag magpalit ng dalawang magkasunod na pagpapadede sa loob ng isang araw kapag sinisimulan mo nang mag-awat (weaning).
  • Kung magpapatuloy ka sa pagpapasuso ng gatas ng ina sa umaga at gabi, o gagawin mong huling mga pagpapalit ang mga ito, mas magiging flexible kang makapagtrabaho ulit o mabibigyang-daan mo ang iba na mapadede ang iyong baby sa araw.
  • Puwedeng maging swabe ang paglipat sa formula milk, pero minsan, puwede itong magtagal nang kaunti. (Huwag mag-alala!)

Magkakaiba ang lahat ng baby at nanay, kaya subukang maging mapagpasensya, mag-relax, at i-enjoy ang panahong magkasama kayo.

* Huwag gumamit ng microwave oven para painitin ang formula milk, dahil puwede nitong painitin ang ilang bahagi ng bote na puwedeng makapaso sa iyong baby. 

** Nakadepende ang kalusugan ng iyong baby sa maingat na pagsunod sa mga direksyon sa label para sa paghahanda at paggamit. 

Mga Reference: 

1 Joint statement of Health Canada, Canadian Paediatric Society, Dietitians of Canada, and Breastfeeding Committee for Canada. Nutrition for Healthy Term Infants: Recommendations from Birth to Six Months. 2012. http://www.hc-sc.gc.ca/fn-an/nutrition/infant-nourisson/recom/index-eng.php 

2 Joint statement of Health Canada, Canadian Paediatric Society, Dietitians of Canada, and Breastfeeding Committee for Canada. Nutrition for Healthy Term Infants: Recommendations from Six to 24 Months. 2014. http://www.hc-sc.gc.ca/fn-an/nutrition/infant-nourisson/recom/recom-6-24...