Baby formula: Paghahanda at Pag-iimbak

5 min.
5 minutong pagbasa
Baby formula: Paghahanda at Pag-iimbak

Formula milk. Puno ito ng sustansya—pero posibleng may mga tanong ka tungkol sa kung paano ito dapat ihanda at iimbak.

Narito ang marami sa mga sagot sa tanong mo, simula sa dapat mong maging pangunahing sagot sa anumang naiisip mo tungkol sa pagpapadede ng formula milk: “Kaya ko 'to!” 

Idetalye muna natin nang mabilis ang tatlong karaniwang format ng formula milk: 

Ready-to-feed: Mabilis gamitin, ASAP: Kahit kailan. Kahit saan. Hindi kailangang tubigan, sukatin, o haluin 

Concentrated: Mabilis gamitin. Hindi makalat. Mabilis itimpla—walang buo-buo, hindi kailangan ng scoop! Ihalo ang na-sterilize na tubig** sa concentrate formula na ito, at tapos na 

Powder: Mura! Sukatin ang powder formula na ito (may kasamang scoop ang Plus pack na mabilis itabi!), ihalo sa tubig** at tapos na 

Para matiyak na naibibigay mo sa iyong baby ang tamang nutrisyon, at para mapababa ang peligro ng kontaminasyon ng mikrobyo, mahalagang sundin ang mga tagubilin sa label, at ihanda at i-refrigerate ang formula milk sa tamang paraan—makakatulong ang mga sumusunod para mapanatiling malusog ang lahat! 

Bago ka magsimula 

Mga Dapat Gawin 

  • Basahing mabuti ang mga direksyon sa paghahanda at paggamit na nasa label para masunod mo nang tama ang mga ito (tandaan, nakadepende rito ang kalusugan ng iyong baby). Bago ito, itanong sa doktor ng iyong baby ang tungkol sa infant formula, kasama na ang dami ng ipapadede. 

  • Tingnan ang petsa ng pag-expire bago gumamit ng anumang formula milk. 

  • Itapon ang anumang lalagyang nag-expire na. 

  • Hugasang mabuti ang iyong mga kamay bago maghanda ng infant formula. 

  • Pededehin agad ang iyong baby pagkatapos ihanda ang bote. 

  • Palaging subukan ang temperatura ng pinainit na formula milk bago magpadede (gamitin lang ang iyong pulso o ang ibabaw ng kamay mo). 

  • Itapon ang anumang natitirang formula milk na hindi naubos ng iyong baby (hindi ito ligtas na iimbak). 

  • Kung gumagamit ka ng ready-to-feed formula, takpan at ilagay ang anumang natitirang ready-to-feed formula sa refrigerator nang hindi lalampas sa 24 na oras* (ganito rin para sa concentrated na formula). 

Mga Hindi Dapat Gawin 

  • Huwag gumamit ng formula mula sa isang package na posibleng sira (hal. may yupi, nabuksan na, may tagas, o lumobo). 

  • Huwag kailanman iwan ang hindi nagamit na naihanda o nabuksang liquid formula sa room temperature sa loob ng mahigit 1 oras. 

  • Huwag gumamit ng microwave oven para painitin ang formula milk (puwede nitong painitin ang ilang bahagi ng bote na puwedeng makapaso sa iyong baby). 

  • Muli, para sa kaligtasan, huwag iimbak ang anumang natirang formula milk na hindi naubos ng iyong baby—itapon ito kaagad. 

Paano maghanda ng baby formula: Mga Hakbang

Una sa lahat, palaging i-sterilize ang iyong mga bote, tsupon, ring, at lahat ng gamit para sa paghahanda sa pamamagitan ng paglalagay sa mga iyon sa isang kaserolang may kumukulong tubig, pagpapakulo sa mga ito sa loob ng 5 minuto, paglilinis sa lugar kung saan ka maghahanda, at paghuhugas ng iyong mga kamay. 

Ready-to-Feed 

  1. Isalin ang ready-to-feed formula nang direkta sa na-sterilize na bote—huwag haluhan ng dagdag na tubig! 

  1. Ilagay ang bote sa mainit na tubig hanggang sa maging maligamgam ito (kadalasan ay 1-2 minuto). 

  1. Balutin ng malinaw na plastic food wrap ang nabuksang Tetra Pak™ na karton at iimbak ito sa ref—dapat mo itong ubusin lahat sa loob ng 24 na oras. 

Tandaan: May ganito ring uri ng formula milk na nasa ready-to-feed na bote na. Alugin lang nang mabuti, alisin ang takip, ikabit ito sa na-sterilize na tsupon at ring na standard ang laki, at tapos na! 

Concentrate 

  1. Pakuluin nang husto ang tubig sa loob ng 2 minuto at hayaan itong lumamig sa room o body temperature (37°C) bago gamitin.

  1. Aluging mabuti ang Tetra PakTM na karton at punasan ang ibabaw gamit ang malinis na basang tela bago ito buksan. 

  1. Magsalin ng pantay na dami ng sinukat na formula milk at na-sterilize na tubig sa na-sterilize na bote. Huwag sobrahan o bawasan ang tubig maliban na lang kung payo ng propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan. 

  1. Takpan ang bote at aluging mabuti. 

  1. Ipadede agad. Itapon ang anumang hindi naubos na formula milk sa loob ng 1 oras pagkatapos magpadede. 

  1. Takpan at ilagay agad sa refrigerator ang nabuksang Tetra PakTM na may natitirang concentrate na formula at dapat itong gamitin sa loob ng 24 na oras. 

Powder 

  1. Pakuluin nang husto ang tubig sa loob ng 2 minuto at hayaan itong lumamig sa room o body temperature (37°C) bago gamitin.2 

  1. Isalin ang nasukat at na-sterilize na tubig sa na-sterilize na bote. 

  1. Ilagay ang naaangkop na dami ng scoop ng powder, ayon sa nasa label. 

  1. Takpan ang bote at aluging mabuti, hanggang sa matunaw nang tuluyan ang powder. 

Tandaan: Isa-isang bote lang ang ihanda. 

Ang mga tagubilin sa itaas ay batay sa mga infant formula na produkto ng Nestlé®. Pakibasa ang label para sa kumpletong mga tagubilin sa paghahanda at paggamit. Kung gumagamit ng ibang brand ng infant formula, pakisunod ang mga direksyong nasa label. 

Pag-iimbak ng infant formula 

Bagama't parang magandang ideya ang maagang paghahanda at pagpuno sa mga bote, hindi inirerekomenda ang paghahanda at pagkatapos ay pag-iimbak ng formula milk. Mahalaga ang pagsunod sa mga tagubilin ng manufacturer na nasa label para sa kalusugan ng iyong baby. 

  • May ligtas bang paraan para makatipid ng oras? Puwede kang mag-sterilize ng mga bote at puwede mong punuin ang mga ito ng naaangkop na dami ng na-sterilize at pinalamig na tubig nang maaga. Kung gusto mong sukatin ang naaangkop na dami ng tubig nang maaga, huwag idagdag ang formula milk hangga't hindi pa magpapadede. Medyo makakatipid ka ng oras dahil dito kapag magpapadede ka na. 

Tandaan, nakadepende ang kalusugan ng iyong baby sa maingat na pagsunod mo sa mga direksyon sa paghahanda at paggamit na nasa label. 

Kapag nabuksan na ang powdered na formula milk, mananatili itong fresh sa loob ng hanggang isang buwan at hindi ito kailangang ilagay sa refrigerator*

Reference: 

† Gaya ng lahat ng infant formula. 

§ Kumpara sa mga intact na protein formula. 

1 Czerkies L, et al. 2018. A pooled analysis of growth and tolerance of infants exclusively fed partially hydrolyzed whey or intact protein-based infant formulas. Intl J Pediatrics. Article ID 4969576. 

2 Health Canada. Recommendations for the preparation and handling of powdered infant formula (PIF). 2010. https://www.canada.ca/en/health-canada/services/food-nutrition/healthy-eating/infant-feeding/recommendations-preparation-handling-powdered-infant-formula-infant-feeding.htmlAccessed: Mayo 29, 2017. 

* Ang mga nakasaad na tagubilin sa pag-iimbak ng formula milk ay nakabatay sa mga infant formula na produkto ng Nestlé®. Pakibasa ang label para sa kumpletong mga tagubilin sa paghahanda at paggamit. Kung gumagamit ng ibang brand ng infant formula, pakisunod ang mga direksyong nasa label

**Sa kahit na anong format, palaging maingat na sundin ang mga direksyon sa label para sa paghahanda at paggamit